Kabaong

Posted in Kabaong on Disyembre 8, 2007 by Misteryoso

“Mukhang wala na siyang balak.” Walang emosyong nakatanghod si Clarissa sa malamig na katawang nakasilid sa ilalim ng salamin ng isang mumurahing kabaong. “Ano sa tingin mo?”

“Nanay niya si Inay, Ate. Hindi pwedeng hindi siya pumunta.”

Hindi nakatulong kay Clarissa ang malulumanay na mga salitang nanggaling kay Elsa. Tanging sa matandang babaeng nakahiga sa kanyang harapan natuon ang kanyang pansin habang binabalot siya ng kalamigan ng gabing iyon. Ang malapilak na mga buhok ng kanyang ina ay isa sa mga palatandaan ng malinaw na paglipas ng kabataan nito. Ang kulubot na mukha naman ay pumara sa kanilang mga napagdaanan.

Malaking kaltas sa naipon ni Clarissa ang isinabak para sa kamatayan ng kanyang nanay. Hangga’t maaari ay nais niyang mabigyan ng mabuti-buti man lang na libing ang sisenta anyos niyang nanay. Hangga’t kaya ng bulsa ay gagawin niya ang makapapanatag sa kanyang budhi. Kung mayroon lang sana siyang mas malaking salapi, wala siyang dahilan para hindi gawing payak ang burol at libing.

Isa siyang hamak na guro sa primarya. Pangarap niyang maging isang doktor noong nasa elementarya siya. Sa pag-usad ng panahon, ipinamukha ng pamumuhay na kanyang kinalakhan ang pagkatunaw na parang yelo ng kanyang mithiin paglaki.

Noon, hindi siya umiyak nang malaman niyang mahal mag-aral ng medisina.

Ngayon, hindi rin siya umiyak.

Wala mang luhang dumaan sa kanyang mga pisngi, hinagkan niya ang salamin ng kabaong mayakap lang ang kanyang Inay.

Heto siya ngayon, tandang-tanda pa ang buhay nila noong bata pa siya. Nakatira sila noon sa luma nilang bahay sa Bulacan na minana pa sa mga magulang ni Lucia. Kung tutuusin, naging maginhawa ang buhay nila noong buhay pa ang kanilang amang si Eduardo. Magkatuwang ang mag-asawa sa pagtataguyod ng isang masayang pamilyang tinalalan ng wagas na pagmamahalan.

Higit sa tatlong beses sila kung kumain sa isang araw kahit na plantsadora lang ang ilaw ng tahanan at ang haligi nama’y nagtatrabaho sa isang mayamang pamilya sa San Jose del Monte. Si Clarissa at ang kanyang kuya ang naging buhay nina Eduardo at Lucia. Maigi silang naghanapbuhay upang maitayo sa isang matibay na bato ang kanilang pamilya.

Ngunit hindi nagtagal ang lahat. Dahil sa sipag na ipinakita ng tatay ni Clarissa sa kanyang amo, nainggit ang kanyang mga kasamahan at pinagkaisahan ang paninira sa kanya. Noong una’y naging matibay ang loob ni Eduardo, pero sa bandang huli ay napatalsik siya, at hindi lang iyon, dahil sa matinding galit ng mga kasamahan, nagawa pa nilang sunugin ang maliit na bahay ng mag-anak na nauwi sa pagkatupok ng mga naipundar ng pamilya Mendez. Nailigtas niya mula sa nagngangalit na apoy ang kanyang mag-iina. Sa kinagandang palad ay nasalba ang buong pamilya—ang pamilyang para kay Eduardo ay sanlibong beses na mas mahalaga kaysa kahit anong kayamanang nandirito sa lupa.

Bumalik sa wala. Pinag-isipan nilang subukin ang pakikipagsapalaran sa lungsod sa pag-aasam na hindi buhangin ang lupa sa Maynila. Nasa isip ng mag-asawa ang kinabukasan ng dalawa nilang anak. Takot na silang manatili pa sa Bulacan.

Biyayang mula sa langit ang naging pagdating ng di-inasahang tulong. Isang kumpare ni Eduardo ang nagbigay sa kanya ng isang malaki-laking halaga upang makapagsimula sila nang mahusay sa Maynila. Hustong pera ang ipinagkaloob sa kanya bilang pamasahe. Utang na loob ng kumpare niyang iyon ang pagsagip niya sa buhay nito mula sa pagpapakamatay dahil sa problema sa asawa. Kundi dahil kay Eduardo disin sana’y hindi na nabuong muli ang pamilya ng kanyang kaibigan at ang mas malala ay hindi na nagkaroon ng pagbubuklud-buklod ang mga anak nito.

Bago umalis ang mag-anak, tiniyak ng tumulong sa kanila na maaari silang tumuloy sa bahay nito sa Maynila. Malaking tulong iyon kahit na pansamantala lang, ayon kay Lucia. Hindi sila nagdalawang-isip. Ibinigay sa kanila ang numero ng tirahan at inilarawan sa kanila ang hitsura niyon. Ipinagkaloob din ang susi ng pagsisilungan nila habang sila’y nag-uumpisa ng panibagong buhay. Tangan ng mag-anak ang pangakong aalis sila sa bahay na iyon pagdating ng panahon na kailanganin na ng may-ari ang lugar o kung mas mapaaga’y magkaroon na sila ng malilipatan.

“Di ko maisip ang kalungkutan ni Itay kung buhay pa siya.” Napintahan ng kalahating ngiti ang mga labi ni Clarissa habang inaalala ang mapagmahal niyang tatay. Gayunman, nangibabaw pa rin ang matinding panghihinayang sa pagkawala ng kanyang mga magulang.

“Pagod ka na, Ate. Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?”

Umayon si Clarissa sa alok ng kapatid. Alam na alam ng huli ang kailangan ng una. Matapos makapaghanda ng dalawang tasa ng kape, inaya ni Elsa si Clarissang maupo.

“Mahilig si Inay sa kape, diba? Naaalala ko pa no’ng muntik mo siyang matapunan ng tubig. Grabe makasigaw si Inay. Akala niya kasi kape ang ibibigay mo sa kanya.”

“Sampung taong gulang pa lang yata ako no’n, Ate. Tignan mo naman ako ngayon, dalaga na.”

Dalaga na nga si Elsa. May pag-iisip na siya at may sariling pananaw sa buhay.

Napabuntung-hininga si Clarissa. Naisin man niyang makahigop ng kape, ang kainitan nito ang siya pa ring pumigil sa kanya. Gusto niyang palamigin muna ang kape at ang isipin tungkol sa hindi pagdating ng kanilang kuya sa ikatlong araw ng burol.

“Limang taon na ‘kong titser, Elsa. Sa nakalipas na limang taon, mabagal ang pagtaas ng suweldo ko. Alam mo naman ang buhay ko. Minsan nga umaabot ng tatlong buwan bago maibigay ang buong suweldo.” Sa seryosong pintura ng mukha ni Clarissa nabatid ni Elsa ang patutunguhan ng kanilang pag-uusap: ang kanyang pag-aaral.

“Kung dumating ang kuya mo, hihingi tayo ng tulong,” sabi ni Clarissa pagkatapos maabot ang malalambot na mga kamay ng kapatid. “Kelangang makapag-aral ka. Matalino ka. Hindi dapat masayang ang talino mo.”

Ikinabigla ni Elsa ang kakaibang tatas ng pananalita ng kanyang ate. Sa loob ng nakalipas na labing-anim na taon, sa pakiwari niya’y hindi pa niya namalas ang ganoong sulok ng pagkatao ng dalawampu’t siyam na taong gulang niyang kapatid.

“Kung buhay lang sina Inay at Itay,” pagpapatuloy niya. “Sigurado akong ipagmamalaki ka nila ng higit sa pagmamalaki ko sa’yo.”

“Bakit ka ganyan magsalita, Ate?” Lumabas ang hindi dapat lumabas. “I mean, may problema ba?”

Napabitiw sa mahigpit na hawak si Clarissa. Dumaplis sa unti-unting lumalamig na kape ang kanyang tingin at dumako sa simpleng kabaong na pinaglalagyan ng namatay niyang nanay.

“Kelangang mapag-aral kita—namin.” Bumalik ang tingin niya sa maamong mukha ng kapatid. “Kahit wala na sila, kakayanin natin ‘to.”

Halos dalawampung taon na ang nakalipas, ang pagkamatay na iyon ni Eduardo Mendez ang gumuho sa mga pangarap ng iniwan niyang mga anak at ng butihin niyang maybahay.

Kakatas-katas ng luha ang mga mata ni Clarissa. “‘Buti na lang nakita kang grumadweyt ni Inay bago niya tayo iniwan.”

Walang pakling namutawi sa bibig ni Elsa. Oo nga naman, naisip niya. Iginapang siya ng kanyang nanay hanggang sa huli nitong hininga.

Araw-araw maagang gumigising si Lucia upang makapagluto ng mga almusal na itinitinda niya sa silong ng kanilang bahay. Suki siya ng maraming kapitbahay sa mga lutong kanin, pansit, ginataan, lugaw at sopas, na pulos masasarap. Sa kalagitnaan ng pag-aagawan ng dilim at liwanag, kapag nakakain at nakaligo na ang anak, pinatutunayan niyang handa na ito sa isa na namang araw ng pagpasok.

Malaking bagay na para kay Elsa ang maabutan ng tatlong sampumpisong barya. Kapag maraming kita, nabibigyan siya ng limampumpiso, at kung sosobra iyon bilang baon niya sa maghapon sa eskuwelahan, ibabalik niya iyon sa tampipi ng kanyang Inay imbis na ipunin para sa pansariling kapakinabangan. Pagkatapos itago sa kanyang lumang bag ang baon niyang pananghalian, mamano siya, yayakap at hahalik kay Lucia. Pagkalabas niya ng bahay ay nakangiting sisilip sa pintuan ang kanyang nanay at magpapasalamat na isa na namang madaling-araw ang lumipas. Magpapasalamat siya dahil isa na namang araw ng pagsugo niya kay Elsa sa paaralan ang dumatal at mananalangin siyang gabayan ng Panginoon ang anak sa sampung oras nito sa lugar na lingid sa kanyang paningin.

“Makainom na nga ng kape.”

Kung nakasusugat lang sana ang paso ng likidong iyon, di’ sana’y maaaring dumugo ang lalamunan ni Clarissa, at sa pagsuka ng buu-buong dugo ay matauhan siya sa kahirapang sinapit nilang mag-iina matapos mamatay si Eduardo.

Hindi nga naman naging ganoon kadali, at hindi rin naman mahirap ang naging buhay nila sa Maynila. Noong una lang naman iyon. Sampung taong gulang na noon si Clarissa at nakapagtapos na ng high school ang kanyang kuya. Hindi man lamang nalaman ni Eduardo bago siya namatay ang pagkabuntis ni Lucia kay Elsa.

“Pasensya ka na, wala man lang akong litrato ng kuya mo.”

“Ayaw niya ba sa’kin?”

Hindi kaagad napunan ng sagot ang utak ni Clarissa. Napaisip siya. “Ano ba namang klaseng tanong ‘yan?”

“Wala lang,” mahinang usal ni Elsa.

“Sa totoo lang, hindi ko alam. Buhat nang mamatay si Itay, sobrang nagmumukmok ang kuya mo. Hindi mo lang alam kung gaano niya dinamdam ang pagkamatay ni Itay. At isa pa, wala na siya ng nagsimulang lumaki ang tiyan ni Inay.”

“Kikilalanin niya pa kaya ako?”

Sapul na sapol ang pagkabato ng linya kay Clarissa. Hindi niya alam kung tama bang sumagot ng ‘oo’ o manahimik na lang at magkunwang hindi narinig ang kapatid.

Naunawaan kaagad ni Elsa ang pahayag ng mukha ni Clarissa. Hindi niya ginalaw ang tasa ng kape sa kanyang tabi. Humusto sa kanya ang pag-antabay ng bawat salitang lumalabas sa bibig ng kanyang ate at ang masusing pagtitig sa maganda nitong mukha.

“Sabi mo sa’kin no’n, naglayas siya,” pagbubukas niya sa bagay na halos nakalimutan na ng kapatid.

“Lumayas? Oo.” Kumidlat kay Clarissa ang katotohanan. “Mula no’n, hindi na siya nagpakita. Hindi na namin nalaman kung ano’ng nangyari sa kanya.”

“Bakit siya naglayas?” Dahan-dahan lang sa pagtatanong si Elsa lalo na’t alam niyang sensitibong bagay ang inuusisa niya. Ni minsan ay hindi siya nagtanong ng anumang tungkol sa kanyang kuya. Hindi niya kinulit ang kanyang Inay at ang kanyang Ate sa pagpapalawig ng nag-iisang katotohanang niyakap niya (ang pagkakaroon niya ng isang lalaking kapatid na limang taon ang tanda sa kanyang ate).

“Dahil siguro sa pagkabagot.”

“Pagkabagot?”

Lumitaw ang pagkainis sa noo ni Clarissa. “Sa totoo niyan e di ko talaga alam.” Tumindig siya at lumapit sa kabaong at muling nagmuni sa harapan ng kanyang Inay. “Bata pa lang ako no’n. Pero may isip naman. Iba lang talaga siguro ang gawi ng pag-iisip ni Kuya. Palibhasa lalaki.”

“Aasa pa rin ba tayo sa pagpunta niya dito?”

Hindi inimikan ni Clarissa ang walang kabuluhang tanong ng kapatid; bagkus ay minarapat niyang utusan na itong matulog.

Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan at makalipas ang isa o dalawang minuto ng pansariling katahimikan ay naisip niyang lumabas ng bahay upang matunghayan ang mga bisitang nakikiramay.

Kung pakikiramay lang naman ang pag-uusapan, kataka-takang nangaroon ang mga kapitbahay na hindi naman naging malapit sa patay. Nangaroon sila upang makangatngat ng mani o di kaya’y upang makapagtong-its at lucky nine kasama ang ibang taga-Pulangbakal. Bilang na bilang ang naparoon upang makidalamhati sa mga naiwan ng patay at sa isang banda’y makapanatag kahit papaano sa kanila.

Rinig na rinig ni Clarissa ang tila langitngit na tunog ng pagbabalasa ng baraha sa kaliwa’t kanan. Bago siya tuluyang makahakbang sa makapasok ng pintuan, luminga siya sa kinalalagyan ng orasan upang malamang ika-labing-isa na ng gabi. Biglang nagbago ang kanyang isip. Wala ni isa sa mga bisita ang maaaring makausap sa sandaling iyon lalo na’t ang lahat ay abala sa mga idinaos na sugal ng mga tambay at iilang mga paslit ang gising pa at ginawang palaruan ang silong ng bahay.

Paano nga naman pupunta ang kanyang kuya kung hindi nito alam ang nangyari sa kanilang Inay? Napaisip ng malalim si Clarissa. Hindi pinalagpas ng isang minuto ang paglalapat niya ng isiping imposibleng makapunta ang kanyang kuya. Naupo siya sa isang bakanteng upuan malayo sa paningin ng maiingay na sugarol at madadayang manlalaro.

Umusbong sa kanyang isipan ang pananabik na muling makita ang nawalay na kapatid. Sa kanyang pagmamasid sa paligid, hindi siya nawalan ng pag-asang maaninagan ang kanyang Kuya, kahit na sa kaunting pananampalataya ay mamatahan ang anino nito.

Ang kagat ng mga pangil ng gabing iyon ang humulma ng madilim na bangungot sa imahinasyon ni Clarissa. Kulang na lang ang maniwala siya sa kuwentong-bayan tungkol sa isang aswang na pumapaslang sa mga binata pagsapit ng hatinggabi. Kung hindi man siya mapagbigyan ng takot at kaba, paniniwalaan niyang ang paglaho ng kanyang kuya ay bunsod ng kahirapan nito sa pagtulog kapag gabi. O baka nga naman mayroong isang uhuging kapreng nanabako sa itaas ng isang kalapit na puno ng bayabas at sa sobrang bigat nito ay nahulog at nagpagulung-gulong sa basang lupa at napag-interesang isama sa bisyo nito ang kanyang kuya.

Lubog na ang kanyang mga mata sa katititig sa kawalan. Gusto niyang sumpain ang langit dahil sa mga dagok na patuloy na dumarating sa kanyang pamilya. Parang walang paghinto. Parang walang pagbabago.

Bumalik siya sa loob ng bahay at sa pang-ilang ulit na pagkakataon ay nilapitan ang kanyang Inay. Ang larawan nito sa ibabaw ng salamin ang nagpabuhay ng kanyang kalooban. Maaari niyang gayahin ang ngiti sa litrato ng kanyang Inay, ngunit kasintigas siya ng bato.

Sising-sisi siya sapagkat hindi man lang niya nasabing mahal niya ito. Walang puwang sa kanyang puso ang pagpapatawad sa sarili.

Hinablot niya ang larawan ni Lucia at nagtungo sa palikuran. Agad niyang isinara ang pinto. Yakap-yakap ang larawan, pumikit siya at nagsimulang dumaloy ang mga luhang kanina pa nagbadya.

JONELL ESTILLORE

Me-ann

Posted in Me-ann on Disyembre 8, 2007 by Misteryoso

Ang nakasabit na orasan sa dingding ng maliit nilang bahay na gawa sa pinagdikit-dikit na mga plywood at pinagbigkisan ng ilang patapong kahoy galing sa malapit na pabrika ang nagpapasakit sa mga mata ni Me-ann. Ang pagsayaw ng pulang kamay ng bago nilang orasan sa bawat segundong lumilipas ang isa pang dahilan ng kanyang pagkabagot. Naghihintay siyang sumapit ang ikawalo ng gabi sa pag-aasam na mapunan na ng pagkain ang kanyang tiyan. Kanina pa niya tinitiis ang gutom. Wala siyang perang maipambili ng maski anumang sitsirya o tinapay man lang. Wala siyang ibang tangan kundi ang walang-pasubaling pag-aasam na magdadala ng pagkain ang kanyang nanay pagkagaling sa trabaho.

Nakahilata naman sa malamig na semento ang kanyang bunsong kapatid na si Emil na inapoy ng lagnat kaninang umaga; sa awa ng Diyos, mabuti-buti na ang kalagayan niya sa ngayon. Nakipagtalo pa ito sa kanyang kapatid kung sino ang mauunang umuwi ng bahay kinagabihan, ang kanilang nanay o ang kanilang ama-amahan. Ang huli ay palaging nakikipag-inuman sa kabilang looban, kung minsan ay umuuwing wala sa tamang katinuan at kung ano-ano ang inuusal, minsan naman ay pinagmamalupitan ang dalawang kawawang bata kapag nalango na sa sobrang alkohol. Alam nilang mauuna ang kanilang nanay. Oo, tama iyon.

Tumanaw siya sa labas. Pinagmasdan niya ang mga tambay sa paghitit ng marijuana. Hindi man alam ang ginagawa ng mga binatang iyon, batid niya ang matinding kasarapang nadarama nila. Hitit-buga, hitit-buga.

Kung tutuusin, sa unang tingin sa mga tambay na kanyang pinagmamasdan, masasapintaha ng sinuman na ang mga taong iyon ay hindi nakatapos ng pag-aaral, nabatô, at nahatak ng kapaligiran sa pagsapi sa lipunan ng mga walang modo. Hitit-buga, hitit-buga. Di-kawatas-watas sa lipunang ito ang kahalagahan ng edukasyon o kung hindi magkagayon ay nagapos ng kasalatan sa buhay. Walang pagkukunan kung walang trabaho—isang batas sa lipunang tinanikala ng kahirapan. Kung ang edukasyon ang makasasalba sa kinabukasan ng bagong salinlahi, aywan mo. Kung ang edukasyon ang makapagpapaunlad sa isang bansa at makapagbabangon sa mga kagipitan nito, aywan mo. Kung ang edukasyon lang ang tanging susi sa pagbura ng pangingimbulo sa lipunan, aywan mo.

Nagsasama ang magkakatulad at nagkakahidwa ang magkakasalungat—itaas ang kamay ng kokontra. Ang lipunang ito ay ihinagis sa maburak na ilog na mistulang isang bulkang bumubulwak ng samu’t saring basura, na linisin man ay babalik at babalik din sa kanyang tirahan, sa kanyang pinanggalingan, gaya ng mga kalapating walang patumanggang lumilipad ng buong laya. Ang lipunang ito ay isang nagkakandarapang paslit sa isang mahalagang limos na makahihilom sa malalim niyang sugat na pinagdadanakan ng malapot na dugo. Wala sa kanyang sasaklolo kundi ang kanyang sarili; kung gipitin man sa hininga ay mawawalan ng pag-asa at pikit-matang ikakabisa ang kahulugan ng kamatayan.

Karaniwang eksena na sa tinutukoy na lipunan ang mga sumusunod: pagkagalit, pagkapoot… dapat pa bang magdagdag? Hamo, ikaw na ang magdadgad sa tala at makatutulong ka sa pagpapahiya sa lipunang ito. Sa lipunan mo! Huwag kang hangal! Sa lipunang hawak ang pigil ng pandaraya at kawalan ng respeto sa isa’t isa, kawalan ng disiplina at kawalan ng taos-pusong paglilingkod. Itaga mo sa pinakamatatag na bato, sa kalipunan mo!

Patuloy na umasa si Me-ann sa pagdating ng kanyang nanay hanggang sa matanaw niya mula sa malayo ang payat na katawan ng isang babae. Sukbit sa balikat ang isang pulang bag, kumekending-kendeng sa paglalakad ang nanay ng dalawang paslit. Alam na alam ng buong loobang iyon ang trabaho ni Ditas. Madali lang mapagtanto sa kanyang hitsura na isa siyang bayaran. Alam ba ng kanyang mga anak? Oo, alam na alam. Sa murang edad nina Me-ann at Emil, patunay sila sa kadisgrasyahan ng kanilang nanay. Si Me-ann, ang panganay, ay nabuo mula sa isang madilim na gabi limang taon na ang nakalipas. Hindi inaasahang nabuntis si Ditas sa ikalawang pagkakataon ng ibang lalaki at ibinunga ang ngayo’y limang taong gulang na Emil. Sapul noon ay naging maingat na ang pokpok sa pagkirengkeng. Limang taon na niyang itinataguyod ang kanyang pamilyang walang haligi. Walang pakialam si Ditas sapagkat ang mahalaga sa kanya ay mabuhay niya ang kanyang mga anak sa kabila ng kahirapan. Gayunman, kinasama niya ang isang basagulerong tambay sa kanto na tinatawag na amain ng dalawa niyang anak.

Pinabangon ni Me-ann ang kapatid para tukuyin sa pamamagitan ng pagtanaw kung may bitbit bang pagkain ang kanilang nanay. Hindi sila nagkamali sa pagpangarap na may dalang pansit si Ditas. Pagpasok pa lamang sa pintuan ng barumbarong ay hinablot na ng gutum na gutom na si Me-ann ang puting plastik na hawak ng kanyang nanay at dagling inilapag sa munting mesa. Waring sa walang habas na leon ang inásal ni Me-ann. Gayon na rin ang ginawa ni Emil na hindi mapagkakailang malakas na ang pagkalam ng tiyan. Ni isa man sa kanilang dalawa ay walang nakapansin sa suot na takot ni Ditas. Kung natanghuran man lamang sana nila ang mukhang iyon ni Ditas…

Kunsabagay, ngayon lang ulit nakakain ang dalawang bata ng pansit. Hindi sardinas, hindi tuyo, hindi asin, kundi pansit. Para bagang ginto sa kanilang paningin ang pansit lalo na kapag uwi-uwi ito ni Ditas. Halos manikluhod ang mga bilugang mata ni Me-ann sa pagsumamong huwag kaagad maubos ang pansit. Kung maaari lang sana’y parating napapasukan ng pagkain ang kanyang bibig. Kung puwede lang sana ay walang pagkaubos ang pansit na iyon. Ngunit hindi. Ilang minuto lang ay natapos din. Natapos din ang palabas. Natapos ang panaginip at kinailangan nang gumising.

At kasabay ng paggising ang pagtulog.

Maaga dapat matulog ang mga bata, ‘yan ang parating paalala ni Ditas. Pagkatapos ng araw na iyon ay panibagong umagang kailangang harapin. Nariyan na ang pagpasok sa eskuwela ni Me-ann at ang pakikibaka ni Ditas sa pagdelihensya ng pera. Araw-araw. Parang gulong sa pag-ikot. Kailangang magamot ang bawat hapding sumusugat sa kanilang kalamnan at mapawi ang pagkagutom.

Hindi ba’t malalim na ang gabi? Isinara na ni Ditas ang mga pinto ng kanilang maliit na kublihang tinatawag na bahay. Nailatag na ni Me-ann ang banig na paghihigan. Hanggang sa marinig nila ang sigaw ng kanilang ama-amahan mula sa malayo.

“Putang inang Ditas ‘yan. Tang ina nga naman. Putang ina!” Paulit-ulit na mura ang pumukol kay Ditas.

Animo’y isang batalyon ang lumusob sa kanilang barumbarong. Ang kanilang ama-amahan—ang lasenggerong ama-amahang malupit sa kanila.

Ang mga mata ni Me-ann ay hindi nagsinungaling!

Ang pagkakita niya sa paghugot ng patalim ng kanyang ama-amahan ay hindi kasinungalingan. Maging ang sunud-sunod na pagbaon ng patalim na iyon sa katawan ng kanyang nanay ay hindi kabulaanan. Lahat ay katotohanan. Binalot sila ng matinding hintakot. Hindi malaman ni Me-ann ang gagawin.

Hanggang sa itutok sa kanyang liig ang patalim at wala nang sigaw na kumawala pa sa kanyang kalooban.

JONELL ESTILLORE.

The Lost Bike

Posted in The Lost Bike on Disyembre 8, 2007 by Misteryoso

Whenever I pass by the big store beside Mang Peping’s sari-sari store on the street where I grew up, I always make it a definite point to spend a couple of minutes looking at the bicycles exhibited behind the large glass. At the age of nine, I may not know how to ride a bike, but I can assure anybody who would raise his eyebrow that I want to own one. There I always was, standing as if I was a little poor kid craving for a yummy hamburger depicted atop the menus on a fastfood chain.

One night, I asked my mother if she could buy me a bicycle. That time, she refused to reply, and, instead, walked out of my room and came back a few minutes later handling a glass of milk for me to drink before going to bed. It was then difficult for me to sleep that night because the idea of having a bicycle, my own bicycle, did not stop on running thousand of miles per nanosecond around my head, until the soundness of the evening let me fall asleep.

Desperate, I asked my mother the next day the same question, and as expected, she refused to reply. I left the house without kissing her goodbye unlike how I exit the scene everyday before going to school.

And going to school is equivalent to going by the big store.

The desperation of owning one of the bicycles urged me to wait for the right time my mother would give out my awaited ‘yes.’

I was excited to return home that afternoon having with me my report card. The special thing I wanted my mother to be surprised of is that I am the top two of the class. As far as delightment is concerned, high grades brush a vivid smile on her face. I wanted to see more glares on her and, who knows, she might give me the bike.

Before dinner was served the next evening, I noticed that my mother had a very uncommon smile on her face. Perhaps, it was because of my high grades. But leading the top reasons is that His Last Kiss, her most favorite drama series on television ever, ended the way she wanted it to end. She became nonstop on giving out her opinion on the ending of the series, and her sentiments for those who will miss the soap.

I held my horses for the whole course of our eating up until I asked her my most used question yet.

“Mom, can you now buy me the…”

Her face abruptly turned blank.

“Aren’t you happy that my grades are pretty much higher than before? Ha, Mom?”

“Your father didn’t leave us well-off,” she said stressing the adjective. “If only I can afford it, I would buy you that bike.”

“But, Mom…”

She breathed deeply and repeated her beloved statement. “Your father didn’t leave us well-off.”

I then saw on her face the determination to retell me how my father left the two of us six years ago because he no longer loves my mother, but she opted not to. It pained me to see that aura on her eyes. Ruining her night just because of my stupid desire to own a bike made me feel so guilty deep inside.

I wasn’t able to pass by the big store the next morning. The street was temporarily closed because of what seemed like an accident involving two motorcycles. I didn’t care much about the details. My mindset at that time being was to quickly take the other route I know in order for me to go to school.

After the school hours, the street was no longer blocked by policemen, TV reporters and lookers-on. I hurriedly made my way to the big store and, as usual, stood in front of the large glass and looked at the–

The one I wanted to own. The one with the red-and-black combination of handlebars. The one with the unimaginable arrangement of pedals and gears I wanted to propel. The one with the two wheels fixed to a smooth grey frame.

I barely believed on what I was looking at. A different bicycle appeared to have replaced the one I would like to be in possession of.

I immediately went inside the big store and approached the bike. I looked at it closely and realized that it was really replaced. I was about to look for a personnel when a voice of a young lady called my attention.

“Anything, kiddo?”

“Ughmmm… The one… here. The one which…” I was totally wordless. Good enough she understood what I was pointing out.

“You mean the original bike placed here?”

With that, I had gained strength to accumulate words from my bunker. “Yes. Yes. Please tell me it wasn’t sold out yet. Do tell me.”

“O. I’m sorry, kiddo. A tall man bought that bike an hour ago.”

I could tell by her looks that she was about to offer the other bicycles, but then I left the store at once, making the chimes hanged on the door produce a loud sound.

I ran home crying. As I entered our house, a pair of looks directed on me. The one is my mother’s. The other one is–who the hell is he? He was smiling as if he were in heaven!

Before I could ask who that person is, he stood up and embraced me. I hardly breathed. The back of my mind was driving me to push the big guy away but the sadness in his crying melted my heart. He backed off when my mother drew near and stretched her hands onto me.

“He is your father.”

I became unsure on how to react on her remark. I just fixed myself on where I was situated like a model posing for a painter, waiting for the last brushstroke.

The man looked at me meticulously. He was smiling. I recognized that his smile was just like mine. I smiled in return and so did my mother. I think, with that, she understood that I had no ill feeling toward my father. Bitterness was in fact not on my vocabulary. The two of them hugged me as if there is no more tomorrow.

“Can you allow me to fix this family,” my father asked.

I nodded. And that started the most wonderful night I ever had.

“O, by the way.”

He pointed at the other side of the living room and there mounted the only bicycle I considered to own.

JONELL ESTILLORE. September 17, 2007.

Last Words

Posted in Last Words on Disyembre 8, 2007 by Misteryoso

Always happy together–that’s how people around them describe Joseph and Denise. They were best friends since the time they met each other. They were classmates from First Year to Fourth Year. It’s amazing they made a rather strong foundation when it comes to the friendship they’d treasured.

But the togetherness between them became minimal as of the moment Denise had his first boyfriend. His name is Alex: a young-looking, handsome, matinee-idol type of guy who was in the pilot class. He was assumed to be the best writer in their campus since he frequently bag awards and recognitions from different contests… and he is vying to be the Class Valedictorian of their batch. Denise didn’t expected him to woo her so painstakingly to the extent that he always go to her classroom every end of the class to talk to her and, apparently, to accompany her on going home. The course of courting ended up on her sweetest reply to the knight-in-shining-armor sort of intelligence shown to her by Alex. His love letters to her Juliet became her most precious mementoes.

Unlike other friendships, which have a propensity to stumble when either of two came to the point of committing himself to a partner, Denise and Joseph were still best friends. He even reminded her to be loyal to Alex because according to him, loyalty is one of love’s greatest secrets. Of course, a nice girl like Denise would follow a nice counsel. She appeared to be the most elated girl in the world! She was so happy to have a wonderful boyfriend.

One time after school, as Joseph was having a power nap on his residence to recuperate, he heard a very loud knock on the door. He swiftly opened his eyes and moved toward the door to open it. Faster than a split second, the one who was knocking earlier hugged him. It was Denise! It took him some moments to realize that she was crying. It was a different strongly felt emotion. He caressed his best friend and led her to go inside. No questions. Silence. The hollers of a gloomy girl burst incessantly until the time she paused for a while to explain to him what happened.

“Joseph, please listen to me…”

“Yes, I am listening. Please tell me what happened. I don’t understand why you are crying this much. We were happy a while ago…”

“Joseph, Alex lied to me,” cried Denise and hurriedly cuddled my back. “I saw him with someone else… I saw him kissing Lea! I was so stupid to believe on all of his promises. He made me believe that I am his only one.”

Joseph was speechless. Instead of speaking, she embraced his best friend fervidly. He couldn’t believe what happened…

As days passed, Denise learned to forget Alex. But why is it that Joseph seemed to be missing? She had no contact with her best friend since the day he broke up with Alex. She tried to ask Joseph’s relatives about him but they had no idea about where he could be staying. She didn’t lose hope to know where he is. By chance, she met a close friend of Joseph and she knew from him that Joseph is staying at someone’s house for the meantime. She asked why and the reply was that Joseph is busy doing something important. She compelled him to tell her Joseph’s exact location but he refused, thinking that Joseph might get angry.

Denise induced herself on having the conclusion that Joseph had forgotten her. But then, one day, she received a text message coming from his longed best friend saying “I AM HOME”. She hastily went to his house and alas! Joseph was there, staying cool and confident, smiling. They clinched each other as if they never met for a thousand years with the utterance of the line “I miss you, best friend”. They spent the rest of the day together on his house.

The sun fall off, and the night quickly reined the sky. Denise and Joseph were obviously enjoying each other’s company when somebody rung the bell. He volunteered to open the gate yet she was the first one to go out and so he just let her see who rang outside.

It was Alex! He was undoubtedly mad!

He went briefly inside the house and aggressed with Joseph. He gave Joseph a powerful punch on the face. Joseph was startled and took a gruesome second to apprehend that Alex was attacking him. Denise came inside and saw the two guys fighting, seeking clout after clout. Joseph took the lead; he was able to counterattack his sudden opponent who occasionally dangled with illuminating curses. Joseph prepared a strong might to have his final knock that made Alex’s face bleed, and messed up the whole place. Denise wanted to shout for help but was frozen on her spot. At last, somebody heralded a morsel of what was really happening.

“How dare you, Joseph! I can’t believe you’re going to ruin our friendship!” Alex roared.
Joseph’s strokes didn’t stop him from being amuck.

Denise was still iced. She was petrified when Alex looked at her with his fiery eyes, his forefinger straight ahead on her. She was afraid he would harm her.

“Your best friend is such a great guy, Denise, and so are you!” He glanced at Joseph. “He stole my girl friend away from me… You just don’t know how it feels to lose my girl… And so you shall pay for what you did!”

Simultaneous with his last word, Alex revealed from his pocket a two-handed knife and shortly stabbed thrice in the belly the agonized Joseph who was then down in the floor. Denise couldn’t resist; she screamed for help, but the help she was desiring arrived transiently after Alex had run away, still cursing his victim.

Before somebody totally helped her to bring Joseph to the nearest hospital, Denise held his best friend’s head on her lap.

“I–I’m sorry I didn’t tell you thi–this,” he said, stammering and gasping. “When I was not here, I–I attempted to be close to Lea… I pursued to court her. I want to fight you back against what Alex did to you… He hurt you so badly–I didn’t want you to be–so sad…”

Blood was present. The distressing oozes of it and the unexpected event lanced Denise’s mind. She was crying up to the minute Joseph was brought to the Emergency Room. Speculations rambled inside her mind but the idea of having a lot of questions just made her frantic. It was clearer to her. Her best friend fought her back because he didn’t want her to be so disturbed. She sobbed even more.

She learned from the doctor that Joseph was critical. When she was permitted to go inside his room, she sat beside him and held his hand tightly. She stared at her sleeping best friend. In that case, sparks of precious memories of the two of them dashed beyond unimaginable boundary. Every inch of her was sad.

“Please don’t leave me, Joseph. Please don’t.” She rested her head on his hand and closed her eyes. Abruptly, she felt a hand combing her hair. She looked at the hand and knew it was Joseph’s. She embraced him, no longer crying but was still obviously melancholic.

There was a gap of silence between the two of them. She looked at his face and saw him smiling his best grin ever. He held her two hands together with his, still having that broad smile.

“I know you regard me as a sibling and I am grateful with that. I’m happy to be your best friend. But then, I treat you more than that, that’s why this happened to me… I want you to know that I am not forcing you to love me… I just want you to know how much I love you.”

As his last words were fading, his eyes were then having their final bows. His eyes were shut; his hand loosened hers. The least thing she could do was to kiss him goodbye…

JONELL ESTILLORE. June 18, 2006.

Ang Diary ni Mariel

Posted in Ang Diary ni Mariel on Disyembre 8, 2007 by Misteryoso

Wala akong ibang pinagpilian kundi ang dumaan sa gym upang mapuntahan ang MAPEH teacher ko. Tulad ng inaasahan, nakita ko na naman si Brixx. Napakahusay niya talagang maglaro ng basketball. Matangkad siya at may kaakit-akit na tindig, mapupungay na matang inakbayan ng tila malalambot na pisngi at mapupulang labi. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya sa tuwinang mapapadaan ako sa gymnasium. At sa mga araw na iyon ay napapadalas na ang paglingon niya sa akin kapag ako ay tumitingin gayong hindi naman kami magkakilala. Ngunit pihadong nagkataon lang naman ang lahat… Mabuti na ring nakita ko siya. Mabuti’t naalala ko ang laro nila bukas.

“Mahahanap din natin ang diary mo, Mariel,” sabi ko kay Donna, ang best friend kong kanina pa umiiyak dahil sa pagkawala ng naturan. Napansin ko siya sa labas. “Bakit mo ba naman kasi winala-wala.”

“Huwag mo naman akong sisihin! Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit nawala ‘yun! Kung hindi ka sana nagmamadaling umuwi e di sana hindi ko naiwanan kung sa’n-sa’n…”

“Huwag ka nang umiyak,” kanina ko pang sinasabi sa kanya. “Oo nga pala, 6:00 ang liga bukas. Magkita tayo ng 5:00 sa waiting shed sa labas.”

“Nandoon ‘yung pinakamaganda kong litrato tapos nawala pa. Kailangan kong mahanap iyon, Donna!”

“Tumahan ka na. Basta tandaan mo bukas.” Nakangiti na ako sa kanya ngunit hindi ko pa rin mapalitan ang kanyang nadarama. “Mahahanap natin ‘yon…”

Dumating ako sampung minuto bago ang takdang oras ngunit wala pa rin ang aking kaibigan. Kalahating oras na ang lumipas, wala pa rin siya. Pinagmasdan ko ang langit at nabatid na malapit nang bumuhos ang ulan. Maya-maya’y unti-unti na ngang umambon at tuluyan nang umulan; wala pa rin si Mariel. Limang minuto ang nagdaan hanggang sa mayroong tumigil na dyip sa kabila ng kalsada lulan ang pinakahihintay ko. Wala siyang dalang payong kaya nagmadali siyang sumilong sa tapat ng isang maliit na tindahan. Agad kong tinawag ang pansin niya at pinalapit sa akin. “Wala akong payong!” sigaw niya. Binuksan ko ang dala kong payong at tumawid ng kalsada upang pasilungin siya pabalik sa waiting shed. Parang noon.

“Pasensya na natagalan kasi akong magbihis, e,” paliwanag sa akin ni Mariel bago pa man ako manisi.

“Natagalang magbihis? Nagpapasama lang naman ako sa’yo? Tapos ikaw pa ang may ganang magpa-late!” sigaw ko.

“Siyempre dapat presentable ako para hindi naman ako magmukhang tanga, ‘no?”

“Halika na nga,” yaya ko. “In ten minutes dapat nasa court na tayo, kundi patay ka talaga sa’kin.”

“Bakit ba, ano ba kasi meron sa liga na ‘yan?”

“Wala lang.”

Mabilis na tumila ang ulan. Nagtungo kami sa basketball court kung saan mayroong liga kung saan naroon si Brixx. Matagal ko nang naiisip palagi ang binatang iyon sapagkat kapansin-pansin talaga ang kanyang angking kakisigan. At ang pinakagusto ko sa kanya ay ang pagiging magaling niya sa larong basketball. Hindi ko sinabi kay Mariel ang sikreto kong ito. Baka kasi pagtawanan niya lang ako kapag nalaman niyang crush ko si Brixx kaya hanggang sa puntong iyo’y misteryo pa rin sa kanya kung bakit palagi akong nanonood ng liga.

Ayun nga’t masaya akong nanood ng laro. Nang magkaroon ng time-out ay nag-alok si Mariel na bumili ng pagkain sa labas. Tumanggi akong sumama kaya’t siya lang ang umalis saglit. Pinagmasdan ko si Brixx mula sa kinauupuan ko. Bigla siyang tumingin sa akin. Nagulat ako. Maya-maya’y nakatingin ulit siya sa akin habang umiinom ng tubig. Binaliwala ko lang iyon ngunit sa loob-loob ko ay lubhang pagtataka kung bakit siya tumitingin sa akin. Nang makabalik na si Mariel ay niyaya ko na siyang umuwi. Idinahilan kong kailangan ko nang umuwi ngunit ang totoo’y hindi na talaga ako mapalagay noong gabing iyon.

Kinabukasan, sa eskuwelahan, nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Mariel sabay ang sigaw ng “nahanap ko na, nahanap ko na!” samantalang ako ay takang-taka kung paano niya iyon natagpuan.

“Ang ganda na ng binabasa ko…” reklamo ko kasunod ang pagbitiw muna sa librong hawak ko.

“Merong nag-abot sa aking lalaki. Sobrang gentleman kung alam mo lang. Sabi niya nakita niya daw yung picture ko sa diary ko kaya inilabas niya yung diary ko sa bag niya. Tinanong niya kung ako ba ‘yun. Ayun nga ‘yung diary ko. Nagpasalamat ako tapos tumakbo siya.”

“Bakit, nasagwaan ba sa hitsura mo?”

“Ang sama mo! Tinawag kasi siya nung kaibigan niya.”

Tumawa ako. “Weh?”

“Oo nga. Sayang nga lang hindi ko natanong ‘yung pangalan niya.”

“Kailangan pa bang itanong kung sino siya? If I know, binasa niya na ‘yang diary mo!”

“Hindi kaya! Tignan mo naman naka-lock pa rin.”

Natahimik ako sandali. Pagkatapos ay niyaya ko na siyang bumalik sa silid-aralan. Patuloy pa rin siya sa paulit-ulit na pagkuwento tungkol sa lalaking iyon.

“Pwede ba tumigil ka na. Naririndi na ako sa’yo!”

Imbis na magalit siya sa akin ay siya pa ang natigilan. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig ngunit mayroon siyang itinurong estudyante. Hindi ko siya pinansin bagkus ay ibinaling ang aking pagtutok sa binabasa kong libro.

“Siya yung—siya yung nagsauli sa akin nitong diary ko.”

Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin ang lalaking tinutukoy niya. Napatigil ako sa pagbabasa upang makinig sa pinag-uusapan nilang dalawa nang hindi tumitingin.

“Salamat nga pala ulit,” sabi ni Mariel alinsabay ng pagtaas sa kanyang diary. “Ano nga pala’ng pangalan mo? Ako nga pala si Mariel.”

Napatingin na ako; kasabay nito ang pagsabi niya ng “Ako nga pala si Brixx. Nice meeting you.”

“Siya naman pala ang best friend ko, si Donna.”

“Hi!”

“Hello…” mahina kong sinabi.

“O, sige, mauna na ako. May inutos kasi sa akin yung teacher ko.”

“A, sige. Bye!” sabay ngiti ni Mariel.

Simula noon ay naging kaibigan na ni Brixx si Mariel. Parati na silang magkatelebabad tuwing gabi at madalas nang magkasama sa pamamasyal. Palagi rin nila akong niyayaya ngunit palagi naman akong humihindi at nagdadahilang mayroong gagawing iba sapagkat alam kong makagagambala lang ako sa pagiging malapit ng dalawa. Tuwina pa rin ang pagkukunwari kong hindi ko kilala si Brixx. Hindi ko sinasabi kay Mariel na siya ang dahilan ng bawat pagpunta namin sa mga basketball game. Wala akong balak. Ayokong masira ang magandang samahan ng dalawa lalo na’t malakas ang kutob ko na silang dalawa na.

Sa pagtagal ay naintindihan ko na ang tunay kong kalagayan: unti-unti nang natunaw ang pagkakaroon ko ng paghanga sa binata. Sa halip ay lalong umusbong ang nadarama ko sa kanya. Masaya mang isiping naging kaibigan ko ang minamahal ko ng palihim ay masakit pa rin sapagkat hindi siya sa akin. Isang bagay pa talaga ang pakiwari ko: may namamagitan na sa kanilang dalawa ng best friend ko sa mga panahong iyon.

Lumipas ang mga araw at nagtapos din ang Graduation Day namin na hindi ko masyadong ikinagalak dahil noong araw na iyon mismo ko nalaman na sina Brixx at Mariel na. Mabilis pa sa apoy ang naging pagkalat ng balita. Malaya na kami sa mga paghihirap sa high school ngunit may mas mabigat pang bagay ang nagpapuyos sa aking damdamin. Iyon ay ang pagkabagabag kina Brixx at Mariel.

Isang Sabado, nang magtungo ako sa mall mag-isa ay nakita kong magkasama sina Brixx at Mariel na kumakain sa food court. Matagal ko na silang hindi nakita simula noong Graduation Day isang buwan na ang nakaraan. Hindi ako nagpakita sa kanila sapagkat pagmamasid lang ang naisip ko. Nabigla talaga ako nang makita kong lumapit si Brixx kay Mariel at niyakap siya nito. Hindi ko na hinayaang makita pa ang maaaring mangyari kaya’t lumayo na ako at umuwing luhaan.

Sa kalungkutan ko, naisip kong gumawa ng huling liham para kay Mariel. Itinago ko ang liham na iyon sa bag na araw-araw kong dala sa aking mga lakad at nagbaka-sakaling isang araw ay magkakasalubong kami ni Mariel.

Siyang tunay, matapos ang dalawang buwang paghihintay, nagkasalubong kami sa tapat ng eskuwelahan ni Mariel. Inabot ko sa kanya ang liham at nagpatuloy sa paglalakad.

Dear Mariel,

Gusto ko lang malaman mo na inggit na inggit ako sa iyo. Naiinggit ako kasi kayo na ni Brixx. Bakit nga naman ako dapat mainggit?

Mahal ko siya. Mahal ko si Brixx. Kaya ako nagkakaganito ngayon… hindi ako makatulog kakaisip sa kanya.

Alam mo ba, siya ang lagi kong dahilan sa tuwing may basketball game. Parati ko siya noong nakikita sa gym…

Ewan ko ba kung bakit nagmahal ng ganito ang best friend mo. Pasensya na talaga kasi nahulog ako kay Brixx lalo na noong tumagal na ang aming pagiging magkaibigan. Kung hindi dahil siguro sa’yo ay hindi kami magkakakilala niyang boyfriend mo.

Congratulations nga pala, girlfriend ka na niya.

Don’t get me wrong. Hindi ako sumulat para sabihin sa’yo na tumututol ako sa inyong dalawa, ang akin lang ay malaman mo yung nararamdaman ko.

Alam mo naman ako, diba? Sa sulat idinadaan ang mga bagay na nasa loob ko. Pagpasensyahan mo na nga pala ako kung naglihim ako sa’yo noon na hindi ko kaagad sinabi na mahal ko si Brixx.

Ito na siguro ang huli kong letter sa’yo at huli na siguro ito para sa ating dalawa. Mahirap kasing magsama pa tayo kung nasasaktan naman ako. Sana maintindihan mo ako.

Paalam na.

Ingatan mo si Brixx, ha!

Hanggang dito na lang, namumugto na ang mga mata ko.

Paalam.

Donna.

Sa parehong oras, dumating kinabukasan si Mariel sa pook na kinasalubungan namin. May dala siyang liham para sa akin. Hindi ko siya matignan sa mga mata kaya’t hindi ko masabi kung ano ba talaga ang reaksyon niya sa liham ko. Matagal na nakataas ang kanyang kanang kamay hawak ang liham. Hindi ko ito kaagad na kinuha ngunit nang mapag-isipan ay agarang pinunit sa isang marahas na paraan at itinapon sa kanya.

“Donna… mag-usap tayo.” Maging siya ay hindi makatingin sa akin ng diretso.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Tapos na tayo. Kalimutan mo na lang na may nakilala kang best friend na kagaya ko. Kalimutan mo na lang na nakilala mo ako.”

Tumakbo ako palayo habang siya ay humahabol sa akin.

“Donna… mag-usap tayo.” Narinig ko ang pagnginig ng kanyang boses. Hindi ko man siya nakita ay sigurado akong umiyak siya. “Donna!”

Lumiko ako at tumawid sa kabilang kalye nang biglang—

- Ang lakas ng ulan.
- Wala akong payong.
- Halika, nababasa ka, sumilong ka muna sa payong ko…
- Naku, basang-basa ka na… Ano’ng pangalan mo?
- Donna.
- Saan ka nakatira?
- Doon… doon sa malayo. Ano’ng pangalan mo?
- Mariel pangalan ko.
- Ang ginaw! Huwag ka kasing magpapaulan. Sige ka, baka magkasakit ka.

Sigawan. Trapiko. Mga sasakyang nagparadahan. Mga mapag-usisa. Nawawalang nakabundol na truck. Iilang saksi. Mabilis na pangyayari.

“MARIEL!!!”

Dinala siya sa pinakamalapit na ospital. Walang makapanahan sa akin. Kasalanan ko kung bakit iyon nangyari sa kanya. Mabuting sisihin ako sa nangyari. Ambulansya. Pulisya. Mga doktor. Nars. Umabot ba sa ospital? Humihinga pa ba? PAK!

Wala na. Wala na siya. Pinilit ng pamilya na aksidente ang nangyari at hindi nila ako sinisi gayong pilit kong sinabing ako ang may kasalanan. Aksidente lang daw, ngunit kung hindi ako nag-asal utak-ibon ay buhay pa sana siya.

Sa unang araw ng lamay, marami na kaagad ang nagsipagpuntahan. Nabigla ang lahat sa naganap sa kanilang kaibigan.

Pumasok ako sa silid niya nang hindi kumakatok. Ayaw niyang hindi kumakatok kapag papasok sa kuwarto niya pero ngayon wala na. Walang ni isa mang bagay ang nagalaw. Bagyong dumaan na hindi nag-iwan ng ni isang bakas. Umupo ako sa kama niya at napansin ang pinakamamahal niyang bagay: ang kanyang diary. Hindi ito naka-lock kaya malaya ko itong nabuksan.

Dear Diary,

Nakuha na rin kita sa wakas. Guwapo yung nakakuha sa’yo. Gentleman pa… Pero hindi ko siya gusto. Alam mo, may sasabihin daw siya sa’kin bukas. Ano kaya ‘yun? Siya nga pala si Brixx….

…bakit kaya parang iba ang kinikilos ni Donna? Siguro, in love, hindi lang sinasabi sa akin. Alam mo, mahal na mahal ko iyang si Donna. Napakabait niya kasi sa akin kahit na mapang-asar kung minsan. Ayokong mawala siya sa buhay ko….

…kung papipiliin ako, si Donna ang pipiliin ko kaysa kay Brixx. Sabi nga pala ni Brixx, gusto niya daw si Donna. Aba! Talaga?….

Dear Diary,

Kasama ko ngayong araw si Brixx. Ang saya-saya ko. Kaso hindi naman siya masaya. Pa’no ba naman, wala yung mahal niya. Sino pa ba? E di, yung pinakamamahal kong best friend. Sabi niya kasi may kakabisaduhin pa siyang speech. Sayang talaga. Sasabihin na sana sa kanya ni Brixx kaya lang wala siya. Di bale, next time, magkakaroon din si Donna ng time….

…Pumunta kami sa mall. Nilibre ako ni Brixx ng merienda. Tapos umiyak siya sa akin. Niyakap ba naman ako. Nagpasalamat siya sa akin kasi nandito ako para sa kanya… Lam mo, nahihirapan na talaga siya kasi parang iniiwasan na siya ni Donna….

Dear Diary,

Hay naku… Baliw na baliw na talaga itong si Brixx kay Donna. Alam na nga niya lahat tungkol kay Donna kasi ba naman sa akin niya tinatanong lahat. Hindi ko naman mapagsinungalingan kasi mabait naman siya and I want him for my best friend….

…Sayang wala ngayon si Donna. May roses pa namang binili si Brixx this Valentine’s day. Hay naku naman….

Dear Diary,

…May kumakalat na tsismis. Pinagkakalat ng nakagalit ni Brixx sa basketball na kami na daw. Ang sama naman. Baka dumating ang tsismis kay Donna. Baka maniwala siya. Kakausapin ko siya mamaya….

…wala siya… ayokong magkagulo.

…ayaw na akong maging kaibigan ni Donna. Akala niya kasi kami talaga ni Brixx pero ang hindi niya alam ginagawa ko ang lahat para mapaglapit sila.

…hindi kasi napapansin ni Donna.

…Ayaw kong mawala ang best friend ko. Naiinggit daw siya kasi kami na daw ni Brixx, e hindi naman totoo iyon diba?….

…sana maniwala na sa akin si Donna. Akala niya may gusto ako kay Brixx….

…Mahal na mahal ni Brixx si Donna… hindi ata alam ni Donna. Torpe talaga itong si Brixx….

Bakit ba hindi napapansin ni Donna na mahal na mahal siya ni Brixx noon pa man?

Huminto ako.

Hindi ko napigilang umiyak.

Mali ako. Nagkamali ako. Hindi ko man lang inisip ang best friend ko. Mahal ako ni Brixx… Pero iba ang pagmamahal sa isang tunay na kaibigan. Unti-unti akong napaluhod sa sakit na nararamdaman ko at pinakawala ko ang lahat sa pamamagitan ng pagsigaw.

JONELL ESTILLORE. March 1, 2006.

My First Kiss

Posted in My First Kiss on Disyembre 8, 2007 by Misteryoso

Ang mga bagong dating na biyahero ng eroplano ay nangagmamadali sa iba’t ibang direksyon upang malapitan ang mga taong naghihintay sa kanilang pagdating. Ang iba naman ay mangiyak-ngiyak sa pagpapaalam sa kanilang mga mahal na magtutungo sa ibang bansa. Isa ako sa mga taong tumatangis–tumatangis dahil aalis na siya. Hinatid ko siya dito. Ang pagkakaiba lang ay hindi niya dapat ako makita. Ganoon pa rin ang hitsura ni Bryan–makisig ang matangkad na pangangatawan na sinaluhan ng maamong mukha at kapansin-pansing tindig. “Passengers for flight 812 bound to California, USA…” Ikinabingi ko ang mga katagang aking narinig. Oras na ng kanyang pag-alis. Aalis na siya dito sa Davao. Oras na…

Nagsimula ang lahat nang magkaroon kami ng class party isang linggo pagkatapos ng graduation ni Bryan. Lahat ay dapat na magkaroon ng kanya-kanyang date. Isa ako sa walang date kaya tinulungan ako ng ilan kong kaibigan sa pagkilala sa ilang posibleng date. Pero wala akong nagustuhan. Iminungkahi ng aking nanay na si Bryan na lang ang aking isama, tutal dalawang taon lang naman ang agwat niya sa akin at kampante naman ang loob niya sa binata. Umangal ako nang umangal hanggang sa napunta ang lahat sa aming pagtatalo.

“Kung hindi si Bryan, wala na lang party. Hindi ka na lang pupunta! Second year ka pa lang, Jen. Fourteen ka pa lang. You’re too young to have a date, unless you pick Bryan.”

Kumaripas ako sa pagtawag kay Bryan sa telepono at sinabi ko sa kanyang pinapupunta siya dito ng aking nanay. Ilang minuto lamang ay dumating na si Bryan kaya dagling nakiusap ang aking nanay kung maaari bang samahan niya ako sa gaganaping party.

Nang gabing iyon, maaga akong sinundo ni Bryan kaya’t maaga din kaming nakarating sa resort na pagdadausan ng unang party na aking dadaluhan.

“Unang party mo ‘to kaya dapat i-enjoy mo,” sabi niya.

“Bakit ka pumayag na maging date ko?”

Nahalata ko sa kanyang pagngisi ang pagkabigla sa aking tinuran. Gayunman, sinagot niya pa rin ang aking tanong.

“Hindi ako makahindi sa Mommy mo. Alam ko hindi mo ako gustong maging date kaya sana i-treat mo na lang akong isang chaperone. Enjoy the party, Jen.”

Pabulong akong nagmura. Isang chaperone?

Maraming tao sa lugar na iyon pero hindi ako natatakot dahil nasa tabi ko naman si Bryan. Humantong ang party sa isang sayawan. Love song ang pinatugtog kaya’t unti-unting nangagsipagkuha ng kapareho ang mga lalaki upang maisayaw. Sino ba naman ang kukuha sa akin, inisip ko.

“Pwede ba tayong sumayaw?” tanong ni Bryan sa akin. Ako ay lubos na natigilan. Tumayo ako at pumunta kami sa gitna upang magsayaw. “Isipin mo na lang na mahiwaga ang gabing ito. May magic kunwari. Isipin mo na ako ang prince charming mo.” Napangiti ako.

“At isipin mo naman na ako ang girlfriend mo.”

Ngumiti siya at nagwikang wala pa raw siya no’n.

Ramdam na ramdan ko ang init ng kanyang katawan lalo pa noong inilagay niya ang kanyang kamay sa palibot ng aking baywang na nagpalapit sa akin sa kanya. Dama ko ang hindi maipaliwanag na pag-ibig sa kanya.

“Halika, pumunta tayo sa tabing-dagat,” yaya niya. Kumaripas siya ng takbo hila-hila ako pababa sa tabing-dagat. Sa kanyang pagkahila sa akin ay hindi ko na namalayan na natanggal na pala sa aking paa ang aking tsinelas. Ang sarap damhin ang pagkakahawak niya sa aking kamay kahalo ang lamig ng hanging bumaybay sa aming dalawa.

Naglakad kami sa kahabaan ng tabing-dagat. Nakapaa kami sa ibabaw ng malamig na buhangin at minsan ay huminto upang pumulot ng kabibe. Hindi ko alintana ang kakulangan ng liwanag ng gabing iyon bagkus ay nagalak ako sapagkat kasama ko siya. Huminto kami sa paglalakad at umupo sa buhangin. Sabay naming pinakinggan ang tila musikang hambalos ng bawat alon sa aming mga paa at hindi alintana ang mga tao sa itaas na kapatagan. Ngumiti ako ngunit hindi siya gumanti ng ngiti. Ano’ng nangyayari sa kanya, sa loob-loob ko. Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa dagat. Napatingin ako ulit sa kanya; nakatingin pa rin siya sa akin.

“Baka naman matunaw ako sa ginagawa mo?” pawaksi kong tanong.

Sa wakas ay ngumiti na siya at nabatid ko ang lalim ng kanyang angking biloy.

“Wala ka ba talagang gusto kay Mark, ‘yung kaklase mo?” tanong niya sa akin.

“Wala kaya,” tugon ko. “Ikaw sino ba gusto mo?”

Napatigil siya. Sa tagpong iyon ay alam ko nang ikasasakit ng aking puso ang kanyang napipintong pagsagot. Kung sasabihin niya man ay pihadong ikasusugat iyon ng aking damdamin. Tinitigan ko siya at marahang itinaas ang aking mga kilay hudyat ng aking paghihintay sa kanyang sagot. Tumingin siya sa akin nang maigi.

Nang mapatingin ako sa kanya napansin kong kanina pa pala siya nakatitig sa akin.

“Isang tao lang naman ang nagpatibok ng puso ko, e,” sabi niya. “Kaso nahihiya ako sa family niya. Napakabait niya. Maganda na, matalino pa.”

Kasabay ng aking pagkasabik na malaman kung sino ang babaeng tinutukoy niya ang hindi ko maiwasang pagpuyos ng aking damdamin. Nagpatuloy siya.

“Mahal na mahal ko siya kaso nahihiya akong ipagtapat ang nararamdaman ko sa kanya kasi alam kong hindi pwede.”

“Pa’nong hindi pwede–”

“Ikaw!” sumbat niya. “I love you, Jennifer. I really love you.”

Waring tinamaan ako ng sampung lintik sa aking narinig. Hindi ko mapagtanto ang aking isasagot o sasabihin man lang. Talaga bang mahal niya ako, tanong ko sa aking sarili.

“I–I love you, too, Bryan…” naisagot ko na pala ang matagal ko nang inililihim sa kanya. Hindi ko nasisi ang aking sarili sa ibinuka ng aking bibig.

Gumulantang sa aking loob ang karamihan ng iba’t ibang tanong. Paano nangyaring minahal ng isang kagaya ni Bryan ang tulad ko na isang simpleng babae lamang? Paano na niya ako magugustuhan samantalang napakatahimik ko? Paano niya ako magugustuhan kung ganito ang aking hitsura–simple lang ako hindi tulad ng iba? Bakit ako minahal ni Bryan? Mahal niya nga ba talaga ako?

Hindi ko halos namalayan ang sumunod na naganap. Inilapit niya ang kanyang mga labi sa akin at hinalikan ako. Para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo sa mga sandaling iyon. Ang pagdampi ng kanyang mga labi ay maituturing kong isang halik na nag-uumapaw sa pagmamahal. Ilang saglit ang dumaan bago niya tinapos ang mainit niyang halik. Niyakap niya ako nang mahigpit at tumalbog sa akin ang kalaliman ng kanyang pag-irog.

Sa puntong iyon ay natauhan ako. Iniwas ko ang aking sarili paatras.

“Hindi ito tama, Bryan…”

Lumapit siya muli sa akin at akmang hahagkan ako ulit ngunit lumayo ako. Tumindig ako ngunit nahabol niya pa rin ako ng akap.

“Pwede ba, Bryan, tigilan mo ‘ko!” sigaw ko.

Nagulat ako sa aking nakita. Ang makisig na si Bryan ay kinalingiran ng mga luha na unti-unti kong napagmasdang tumulo sa kanyang pisngi at tuluyang pumatak sa buhangin.

“Hayaan mo namang yakapin kita… kahit sa huling sandali.”

Niyapos niya ako habang ako ay napatunganga sa kanyang sinabi.

“Anong ibig mong sabihin?”

Umiiyak siya sa likod ng sobrang higpit niyang yakap sa akin. Tumahan siya sandali upang makapagwika.

“I need to leave, Jen… malala ang kalagayan ni Daddy sa States kaya kailangan kong pumunta. He needs me. I miss him. Ayoko mang umalis pero kailangan. Ayoko mang iwanan ka pero wala akong magawa. Ayaw kitang iwan, Jen. Mahal na mahal kita.”

“Magkikita pa rin naman tayo, ha? Ilang araw ka lang naman do’n tapos babalik–”

“Jen.” Napatigil ako at lalo kong natignan ang kanyang pagluha. “Jen, doon na ako magpapatuloy ng pag-aaral. Kasama ko si Mommy pagpunta do’n… siya na rin ang magpapatuloy ng business kaya kailangan doon na rin ako. Ayaw man kitang iwan…”

Niyakap ko siya nang napakahigpit. Tangayin man kami ng ipu-ipo ng isipin ng kanyang paglisan ay wala akong pakialam.

“Tandaan mo, Jen, mahal na mahal kita. At kailanman, hindi ko pinagsisihang nakilala kita… I will treasure the times we were together forever. Remember, Jen, I love you.”

Hindi ko kailanmang makakalimutan si Bryan. Siya ang aking first dance: ang taong hindi ko ikinahiyang makasayaw kahit na hindi ako marunong. Siya ang aking first kiss: na kung kailan naganap ay hindi ko na maipaliwanag ang aking naramdaman, ang nasa isip ko lang ay ang kaganapan ng pagsinta sa halik na iyon.

Siya ang aking first dance sa aking unang party na dinaluhan. Siya ang aking first kiss. Siya ang aking first love. Pero siya ay aking first cousin.

JONELL ESTILLORE. December 30, 2005.